Kamara, nakalikom ng pondo para sa mga nasunugan sa Cavite

Umaabot sa P25-M pondo ang nalikom ng Kamara pang-tulong sa mahigit 1,000 pamilya na nasunugan sa Bacoor, Cavite kamakailan.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang nasabing kasapi ay mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program at Assistance to Individuals in Crisis Situations na parehong nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaugnay nito ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan ni Romualdez sa mga lokal na pamahalaan at kaukulang ahensya, tulad ng National Housing Authority at DSWD upang matiyak na maayos na maiparating sa mga biktima ang tulong.


Hinihikayat naman ni Romualdez ang pribadong sektor na makiahok sa pagbibigay ng tulong para sa muling pagbangon ng naapektuhang komunidad sa nabanggit na sunog.

Facebook Comments