Kamara, nakamit na ang target na herd immunity sa mga empleyado

Ipinagmalaki ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nakamit na nila ang target na herd immunity para sa mga empleyado.

Ayon kay Dr. Raffy Valencia, Officer-in-Charge ng House Medical and Dental Service (MDS) hanggang noong Nov. 5, ay fully vaccinated na ang 70% ng House secretariat.

Hindi naman aniya nalalayo sa bilang ang staff ng House members na nabakunahan na.


Noong nakaraang linggo ikinasa naman ng Kamara ang blended drive thru vaccination para sa mga empleyado at dependents na tatanggap ng 2nd dose upang mapabilis ang pagpapabakuna.

Tinawag itong “blended” dahil para ito sa mga empleyado na walang sasakyan kaya sila ay binigyan ng service o shuttle.

Facebook Comments