Nagpahayag ng pakikiramay at pagbibigay-pugay si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa yumaong si dating Senator Rodolfo “Pong” Biazon na naging miyembro rin ng Kamara mula 2010 hanggang 2016.
Ilan lamang sa mga panukala ni Biazon na naging batas ang;
– Anti-Trafficking in Persons Act;
– Reforming the renting industry;
– Comprehensive and Integrated Shelter Finance Act;
– Modernization of the AFP at marami pang iba.
Miyembro rin si Biazon ng Philippine Military Academy Class of 1961, at naging ika-21 chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Romualdez, saludo ang buong Kamara kay Biazon na tunay na natatangi dahil sa pagiging inspirasyon at halimbawa ng tunay na serbisyo sa mamamayang Pilipino.
Nagpahayag din ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Biazon si House Committee on National Defense and Security at Iloilo 5th district Rep. Raul “Boboy” Tupas.
Diin ni Tupas, si Biazon ay respetadong lider ng Sandatahang Lakas, matalino at magaling din na mambabatas.
Para kay Tupas, tunay na kahanga-hanga rin pagiging masikap sa buhay ni Biazon kaya naging matagumpay ito mula pagiging anak ng panadero at labandera.