Kamara, nakiisa sa pagluluksa sa pagpanaw ni retired general at dating congressman Ermita

Sa pangunguna ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ay nagpahayag ng pakikiisa ang House of Representatives sa pagluluksa kaugnay sa pagpanaw ni retired General at dating Batangas 1st District Rep. Eduardo Ermita.

nagpaabot din ang Kamara ng panalangin at taos-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya at mahal sa buhay ni Ermita.

Binigyang-diin ng Kamara na si Ermita ay kilala bilang isang statesman at peacemaker.

Naging miyembro ng Kamara si Ermita sa ilalim ng ika-siyam, ika-10 at ika-11 Kongreso.

Nagsilbi naman si Ermita bilang Defense Secretary noong 2003 at Executive Secretary noong 2004, sa panahon ng administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Facebook Comments