Nagpaabot ng pakikiramay ang liderato ng Kamara sa pamilya ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Si Abe ay binaril at nasawi sa kalagitnaan ng speech nito sa isang campaign event sa Nara, Japan.
Sa statement na inilabas ni incoming House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, ipinararating nito sa pamilya ni Abe na nakikidalamhati ang Kongreso at mga Pilipino sa pagpanaw ng pinakamamahal na lider ng Japan.
Sinabi ni Romualdez na hindi lang ang Japan kundi ang buong mundo ay nawalan ng isa sa mga pinakamabuti, disente, mahusay na lider at isang statesman.
Ipinaaabot din ng Kamara ang panalangin at hangarin na makamit ni Abe at ng kanyang pamilya ang hustisya.
Kasabay nito ay kinukundena rin ng Kamara ang “senseless act of violence” na ito sa dating prime minister.