Kamara, namahagi ng mga rubber boat sa mga munisipalidad na apektado ng bagyo

Namahagi na ng mga rubber boat, mga relief good at iba pang kagamitan ang Kamara sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno at mga munisipalidad na apektado ng pananalasa ng Bagyong Pepito.

Ang nabanggit na hakbang ay pinangunahan ng tanggapan ng Ako Bicol Party-list at ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Tiwala si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na makatutulong sa paghahanda sa kalamidad ang mga ipinamigay nilang rubber boats at iba pang tulong.


Diin ni Co, kailangang mapalakas ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan at mga responder sa Bicol region upang makapagligtas sila ng buhay at makapagbigay-proteksyon sa mga komunidad sa pagtama ng kalamidad.

Kaugnay nito ay pinayuhan din ni Representative Co ang mga residente sa rehiyon na tiyaking nakakukuha sila ng kailangang impormasyon, sumunod sa mga babala at makipagtulungan sa evacuation efforts para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments