Kamara, nanawagan ng agarang tulong sa mga Pilipinong apektado ng karahasan sa Israel

PHOTO: Reuters/Mohammed Salem

Hinimok ng liderato ng Kamara ang agarang pagtulong sa mga Pilipinong apektado ng karahasan sa Israel.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, doble-kayod na ang Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers para matiyak ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Kinokondena naman ni Romualdez ang Palestinian Islamist Group na Hamas na nasa likod ng pamamaril at pagpapakawala ng rockets sa Israel.


Nanawagan din ito ng mapayanag resolusyon sa 17-taong girian sa pagitan ng Hamas at Israel.

Facebook Comments