Manila, Philippines – Pinaghahanda ni House Committee on Disaster Management Chairman Geraldine Roman ang publiko sa anumang kalamidad o sakuna.
Ang panagawan ay bunsod na rin ng nangyaring tsunami sa Indonesia dahil sa pagsabog ng bulkang ‘Anak Krakatoa’ na kumitil sa halos 400 na katao.
Babala ni Roman, tulad sa Indonesia ay hindi rin malayong mangyari ang tsunami sa Pilipinas.
Nangyari ang kalamidad noong Sabado at wala man lamang early warnings o indikasyon na magaganap ang isang tsunami.
Posible aniyang mangyari ang mga hindi inaasahang trahedya anumang oras kaya dapat na palaging handa ang mga Pilipino.
Aniya, bagaman at may mga ahensya na tumutugon sa disaster para sa paghahatid ng tulong, relief at rehabilitation, pinakamainam pa rin aniya na handa ang bawat mamamayan upang mapaghandaan at mabawasan ang impact ng sakuna o kalamidad na posibleng tumama sa bansa.