Kamara, nangakong tutulong sa pagpapalakas sa healthcare sector ng bansa

Kaisa ang Mababang Kapulungan sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpatuloy ang ‘legacy projects’ na nasimulan ng kaniyang ama, na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Bunsod nito ay tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na malalagyan ng pondo ang mga proyektong ito.

Sa katunayan, ayon kay Co ay sa ilalim ng 2023 budget ay nilaanan nila ng tig-₱500 million ang ‘legacy specialty hospitals tulad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine Children’s Medical Center at ang itatatag na Philippine Cancer Center.


Ginarantiyahan din ni Co ang suporta ng Kamara sa legacy specialty hospitals sa iba pang panig ng bansa para mapahusay at mabigyan ng pantay na access sa serbisyong pangkalusugan ang lahat ng Pilipino.

Facebook Comments