Kamara, nanindigan na umaayon sa Konstitusyon ang 2025 national budget

Nanindigan si House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Lorenz Defensor na umaayon sa Konstitusyon ang lahat ng probisyon o ang buong 2025 national budget.

Giit ito ni Defensor sa harap ng ginagawang summer deliberation ng mga mahistrado ng Supreme Court sa Baguio City kaugnay 2025 budget.

Binigyang-diin ni Defesor na lahat ng panukalang batas na ipinasa ng Senado at House of Representatives at nilagdaan ng pangulo ay ipinapalagay na constitutional.


Sabi ni defensor ito ay maliban na kung may makikita ang Korte Suprema na invalid o unconstitutional provisions.

Facebook Comments