Kamara, “no choice” kundi i-adopt ang bersyon ng senado ng panukalang dagdag-buwis sa sigarilyo

“Take it or Leave it.”

Ito ang mensahe ni Senador Francis “Chiz Escudero” sa House of Representatives kasunod ng pag-apruba ng senado sa panukalang dagdag-buwis sa sigarilyo.

Ayon kay Escudero, wala nang oras kung babaguhin pa ng Kamara ang panukala kaya wala silang ibang pagpipilian kundi i-adopt ang bersyon ng senado.


Sabi naman ni Senate President Tito Sotto III, tiniyak ng Kamara na ia-adopt nito ang Senate version ng panukala.

Sa ilalim ng Senate Bill 2233 P45 hanggang P60 ang magiging dagdag-buwis sa kada pakete ng sigarilyo simula 2020 hanggang 2023.

Madaragdagan ang ipapataw na buwis ng 5% kada taon epektibo sa January 1, 2024.

Facebook Comments