Kamara, Novavax na ang biniling bakuna para sa kanilang vaccination program

73

Novavax na ang ibabakuna sa mga kawani ng Kamara.

Ito ang nilinaw ni Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, head ng HREP CongVax Program, matapos na ihayag na tuloy pa rin ang vaccination program sa Mababang Kapulungan sa kabila ng hiling ng Food and Drug Administration (FDA) na itigil muna ang paggamit ng AstraZeneca vaccine.


Mababatid na naunang inanunsyo ng Kamara na nakipagkasundo na sila sa AstraZeneca para sa bakuna ng mga house employees.

Pero hindi ito natuloy dahil ang AstraZeneca ay inilaan na para sa mga LGU at private orders kaya napagpasyahan na Novavax na ang bilhin na gawa ng Serum Institute of India.

Inaasahan namang sa third quarter ng taon masisimulang mai-deliver ang Novavax sa bansa.

Facebook Comments