Kamara, pagpapaliwanagin ang BIR sa kulang na koleksyon

Manila, Philippines – Aabot lamang ngayong October 2019 sa P1.7 trillion ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, malayo ito sa target na P2.2 trillion pesos.

Dahil dito, pagpapaliwanagin ng Kamara kung saan napunta o bakit wala ang P104 billion na kulang sa koleksyon.


Paliwanag ng mambabatas, kahit mas mataas ang nasabing halaga sa koleksyon nito noong taong 2018 sa kaparehong panahon ay kapos pa rin ito sa target na ibinigay ng Developmental Budget Coordinating Committee.

Isinisi naman ng BIR ang pagbaba ng koleksyon sa late na pagpasa ng 2019 budget at ang pag-import ng mga kumpanya ng langis ng petroleum products.

Facebook Comments