Patuloy na magsasagawa ng imbestigasyon o mga pagdinig ang House of Representatives kahit naka-break ang session nito sa loob ng limang linggo para sa pag-obserba ng Semana Santa.
Sa plenary session ay naghain ng mosyon si Deputy Majority Leader at Isabela 6th District Representative Inno Dy na pahintulutan ang committee proceedings mula March 21 hanggang April 28.
Walang tumutol sa mosyon ni Dy kaya awtorisado ang lahat ng standing at special committees na magsagawa ng mga pagdinig na makakatulong sa pagbalangkas nila ng mga panukala o paglalatag ng kailangang amyenda sa mga umiiral ng batas, patakaran o polisiya sa bansa.
Diin naman ni House Speaker Martin Romualdez napakahalaga ng pagtupad ng Kongreso sa oversight function nito pamamagitan ng pagsasagawa ng “inquiries in aid of legislation” para protektahan ang integridad ng government institutions at kapakanan ng mamamayan.
Dagdag pa ni Romualdez, ang mga pagdinig o imbestigasyon ng Kongreso ay nagsisilbing pundasyon ng pananagutan at pagiging bukas sa publiko ng pamahalaan.