Kamara, patuloy na umaasa na papanigan ng Supreme Court ang inihain nilang MR kaugnay sa impeachment kay VP Sara Duterte

Hindi natitinag ang pag-asa ng Kamara na papanigan ng Korte Suprema ang inihain nilang Motion for Reconsideration (MR) na humihiling na mabaligtad ang pagdeklara nito na labag sa konstitusyon ang impeachment case kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni House Spokesperson Atty. Princess Abante sa harap ng posibilidad na pagbotohan ngayong hapon ng Senado ang pagbasura sa impeachment case kay VP Sara.

Ayon kay Abante, nailatag na mabuti sa Motion for Reconsideration ang lahat ng basehan ng impeachment kay VP Sara kaya mas naging matibay ang kanilang legal arguments.

Tiwala si Abante na sa dulo ay mananaig ang konstitusyon at ang mamamayan para matuloy ang impeachment trial kay VP Duterte.

Facebook Comments