Kamara, pinaalalahanan ang mga Pilipino na maging ‘vigilant’ hanggang hindi pa nababakunahan ang marami at hindi pa nakakamit ang herd immunity

Pinayuhan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang publiko na manatiling alerto at patuloy na mag-ingat hanggang sa mayorya na ng mga Pilipino ay mabakunahan na kontra COVID-19.

Apela ito ni Velasco kasunod nang muling pagsirit ng naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw dahil na rin sa mas pinaluwag na community restrictions at quarantine.

Paalala nito, kahit nagbukas na ang maraming negosyo at marami ang gustong bumalik sa normal na mga gawain, dapat ay panatilihin pa rin ang health protocols hangga’t naririyan ang banta ng virus.


Hindi aniya nangangahulugan na ang pagdating ng bakuna at paguumpisa ng vaccination program ay hudyat para maging kampante ang lahat.

Kailangan muna aniyang hintayin na makamit ang herd immunity sa bansa at habang hindi pa ito nangyayari ay mahalagang huwag magpabaya at sumunod sa lahat ng health at safety protocols.

Facebook Comments