Manila, Philippines – Masusing pinag-aaralan na ng Mababang Kapulungan kung may kapangyarihan ba ang Kongreso na magbigay ng otorisasyon sa Pangulo para makipag-negosasyon sa pamilya Marcos upang mabawi ang iligal na yaman ng mga ito.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ngayon lamang nangyari na ang Kongreso ang hinihingan ng kumpas para payagan ang Pangulo na makipagnegosasyon sa mga Marcoses.
Giit nito, kailangan nilang tingnan ang mga legalities upang walang malalabag sakaling bigyan ng otorisasyon ang Presidente.
Hindi pa basta makapag-commit dito ang Kamara pero pagkatapos ng approval ng 2018 budget ay susunod na itong tatalakayin.
Mahalaga aniya na tiyakin ng Kongreso kung ano ang intensiyon ng mga Marcos para hindi masayang ang panahon ang Kongreso.