Kamara, pinagtibay ang resolution para sa gagawing imbestigasyon ng tatlong komite ukol sa flood control projects

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 145 na nagbibigay ng go-signal sa tatlong komite ng Kamara para magkatuwang na imbestigahan ang mga infra projects ng pamahalaan partikular ang mga flood control projects.

Tatawagin itong “House Infra Committee” na bubuuin ng mga committee on Public Accounts, Public Works and Highways, at Good Government and Public Accountability.

Tututukan ng imbestigasyon ang mga flood control projects na nasa ilalim ng Department of Public Works And Highways (DPWH) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ang pagbuo sa “House Infra Committee” ay sang-ayon ito sa krusada ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa mga palpak at puno ng katiwalian na mga flood control projects.

Nagpahayag naman ng pagtutol dito sa Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima.

Paliwanag ni De Lima, posibleng magkaroon ng conflict of intrest kung mag-iimbestiga ang kamara gayong may mga reports at espekulasyon na may ilang kongresista ang maaring sangkot sa mga kontrobersyal na flood control projects.

Facebook Comments