Kamara, pinaiimbestigahan na agad ang itinutulak ng NAPOCOR na dagdag singil sa kuryente

Manila, Philippines – Umapela si House Deputy Minority Leader Carlos Zarate sa Kamara na itakda na ang imbestigasyon sa panibagong dagdag na singil sa kuryente.

Sa House Resolution 441 ay pinasisiyasat ang pagtutulak ng National Power Corporation (NAPOCOR) ng dagdag na singil sa missionary charges partikular sa Luzon grid.

Ang missionary charges ay resulta ng kapabayaan ng Department of Energy (DOE), NAPOCOR at Energy Regulatory Commission (ERC) sa mga pinapasok na power supply contracting process na ipinapasa sa pamamagitan ng dagdag singil sa mga consumers.


Ang dagdag na singil sa kuryente ay mangangahulugan ng dagdag na P38.96 sa mga kumukunsumo ng 200kwh kada buwan, P58.44 sa kada 300 kwh at P77.92 sa mga kumukunsumo ng 400 kwh.

Iginiit ni Zarate ang agad na pag-schedule ng pagdinig upang mapigilan ang power rate increase at maprotektahan ang mga consumers sa mga pangaambuso ng mga power companies.

Facebook Comments