Kamara, pinamamadali na ang paglikha ng coco levy trust fund

Manila, Philippines – Kumilos na ang binuong Technical Working Group (TWG) sa Kamara para sa paglikha ng coco levy trust fund.

Aabot sa 16 na mga panukalang batas ang inihain sa pagkakaroon ng coco levy trust fund kasama na dito ang Coconut Farmers and Industry Development Trust Fund ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Hinimok ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin na siya ring head ng TWG, ang mga kasamahang mambabatas na ngayon ang nararapat na panahon para maaaprubahan ang coco levy trust fund.


Layunin ng paglikha ng trust fund na mabigyan ng pondo at benepisyo ang mga coconut farmers gayundin ang pagpapaunlad at pagpapalakas sa coconut industry.

Iginiit ni Garin na 10th Congress pa tinatalakay ang coco levy fund kaya dapat na magtulungan ang mga kongresista na makahanap ng compromise para maipasa na ang panukala.

Umaasa si Garin na sa oras na makalusot sa komite at maiakyat ang panukala sa plenaryo ay magiging katanggap-tanggap na ito para sa lahat.

Facebook Comments