KAMARA, pinapaimbestigahan sa PNP-SOSIA ang mga polisiya at sitwasyon sa lahat ng mga security agencies sa bansa

Hiniling ni Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP SOSIA) na silipin na rin ang lahat ng mga security agencies sa bansa.

Ito ay kasunod ng hostage-taking incident sa isang mall sa San Juan na kinasangkutan ng security guard na si Archie Paray.

Giit ni Taduran, dapat na silipin na rin ng PNP-SOSIA hindi lamang ang mga alegasyon ng korapsyon sa pamunuan ng mga security agencies na ibinulgar ni Paray kundi pati na rin ang hindi maayos na pagtrato at bullying sa mga maliliit na security guards.


Ayon kay Taduran, magsilbi sanang “eye opener” ang insidente upang matugunan ang mga lumutang na problema.

Bukod sa hindi maayos na pagtrato at korapsyon ay naabuso din umano ang mga security guards sa kanilang duty.

Napagalam ng Lady Solon na bukod sa 8 hours ay inoobliga pa na magovertime ng 4 na oras na walang bayad ang mga gwardya.

Pag-aaralan din ng mambabatas ang pagbuo ng batas para maprotektahan ang mga ganitong empleyado laban sa anumang uri ng pananamantala sa kanilang mga agencies.

Facebook Comments