Kamara, pinatitiyak na matatanggap ng mga guro ang insentibo ngayong ipinagdiriwang ang World Teachers’ Day

Pinatitiyak ng Kongreso na makakatanggap ng insentibo ang mga guro ngayong ginugunita ang World Teachers’ Day.

Ayon kay Appropriations Vice Chair. Luis Campos Jr., mayroong P910 million na pondo para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) na nakapaloob sa 2021 General Appropriations Act.

Inaasahang makakatanggap ng tig-1,000 ang nasa 900,000 public school teacher’s para sa araw ng mga guro.


Ang probisyon para sa budget ng WTDIB ay ipagkakaloob sa mga guro tuwing World Teachers’ Day celebration salig na rin sa guidelines ng Department of Education (DepEd).

Umaasa si Campos na maibibigay ang insentibo sa mga guro ng walang delay dahil ito ay may pondo naman sa ilalim ng 2021 budget.

Para sa taong 2022, naglaan na ang kongreso ng P925 million na budget para sa benepisyong matatanggap ng mga guro sa susunod na taon na pagdiriwang ng World Teachers’ Day.

Facebook Comments