MANILA – Kampante si House Speaker Sonny Belmonte na pipirmahan ng Pangulong Noynoy Aquino ang house bill 1039 o ang exemption sa 12% vat sa mga produkto at serbisyo sa mga persons with disabilitiesTiwala si Belmonte na hindi i-ve-veto ni Pnoy ang panukala at tuluyang gagawin itong batas bilang tulong sa mga may kapansanan.Malaking ginhawa umano ito lalo na sa mga PWDs na araw-araw bumibili ng gamot para sa mga karamdaman o kapansanan.Bukod sa 12 percent vat exemption sa mga pwds, bahagi ng panukala ang pagbibigay din ng 25 thousand pesos na tax deduction sa annual income tax ng sinomang kamag-anak na nag-aalaga o kumakalinga sa pwd.Sa ngayon, may 20 percent discount ang mga pwds sa ilalim ng rep act 9442.Aamiendahan nito ang rep. act 7277 o magna carta for persons with disability. (DZXL 558 – Deogracias Marie D. de Guzman)
Kamara, Positibo Na Maisasabatas Ang Tax Exemption Sa Pwds
Facebook Comments