Tiniyak ng Kamara na magdo-doble kayod para sa deliberasyon ng panukalang 2020 National Budget.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, patuloy silang magtatrabaho kahit Huwebes at Biyernes upang mapabilis ang pagpapatibay nito.
Aniya, maraming holidays ngayong buwan kaya kahit sa labas ng batasang pambansa ay papayagan niyang magsagawa ng pagdinig ang mga Komite.
Pero sinabi ni Cayetano na kailangang humanap ng disente at murang lugar, at hindi sa mga hotel.
Gagawin ding sabay-sabay ang mga pagdinig ng Mother Committees at Sub Committees.
Pinayuhan din nito ang mga mambabatas na limitahan lang ang pagdalo sa dalawa hanggang tatlong pagdinig upang makabahagi ng kanilang expertise o kaalaman sa tinatalakay.
Inaasahang maisusumite ng Malacañan ang panukalang 2020 General Appropriations Bill sa pagitan ng Agosto 16 hanggang 20.