Kamara, sisilipin bukas ang biglang pagtataas ng presyo ng karneng baboy at iba pang agricultural products

Aarangkada bukas ang imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa napakataas na presyo ng mga bilihin partikular na dito ang presyo ng karneng baboy.

Ito’y sa kabila pa rin ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na nagtatakda ng price ceiling sa presyo ng baboy at manok sa loob ng 60 na araw.

Ayon kay Quezon Rep. Mark Enverga, Chairman ng Komite, ang imbestigasyon ay bunsod na rin ng kautusan ni House Speaker Lord Allan Velasco.


Aalamin sa imbestigasyon ang mga dahilan sa biglang pagtaaas sa presyo ng mga produktong-agrikultural, at makahanap ng mga solusyon para sa kapakinabangan ng mga magsasaka, suppliers at mga consumer.

Sisilipin din aniya sa hearing ang naging aksyon sa mataas na presyo ng Price Coordinating Council (PCC).

Dagdag pa ng kongresista, nakasaad sa batas na tungkulin ng Price Coordinating Council na magreport sa Pangulo at sa Kongreso patungkol sa mga presyo ng bilihin semi-annually o dalawang beses kada taon.

Facebook Comments