Kamara, sumailalim sa “major renovation” bilang paghahanda sa unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Tiniyak ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kaligtasan ng mga dadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa July 25.

Sa unang pagkakataon ay sumailalim sa “major renovations” ang Kamara para masigurong ligtas at “aesthetically designed” partikular ang plenary hall kung saan magtatalumpati ang pangulo ng kaniyang unang ulat sa bayan.

Ayon kay Engineering and Physical Facilities Bureau Executive Director Engr. Renato dela Torre, nagsagawa ng renovations ang Engineering at Physical Facilities Department sa loob ng Batasan Complex bilang bahagi ng paghahanda sa SONA.


Kabilang sa ilang isinagawang proyekto sa Kamara ang paglalagay sa loob ng plenaryo ng “ultraviolet germicidal irradiation system” para dagdag proteksyon lalo pa’t pinayagan na ang “full face-to-face” na SONA.

Bukod dito, nagsagawa rin ng cleaning at clearing operations sa Kamara katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inaasahang matatapos naman ang kanilang pagsasaayos para sa SONA sa darating na Biyernes, July 23.

Patuloy rin ang inter-agency coordinating meeting upang matiyak na plantsado at magiging maayos ang SONA sa Lunes.

Facebook Comments