Manila, Philippines – Maghahain ng resolusyon sa pagbabalik sesyon ng Kamara si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon para mapalitan ang pangalan ng Benham Rise Sa Philippine Rise o Philippine Ridge.
Ayon kay Biazon, marapat lamang na palitan ang pangalan ng Benham Rise dahil malinaw naman ang sovereignty rights ng Pilipinas sa teritoryo.
Ito ay sumusuporta sa pagkilala ng Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS) sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa karapatan ng Pilipinas sa Benham Rise bilang bahagi ng teritoryo ng bansa.
Ang pagpapalit sa pangalan ng teritoryo ng bansa ay nangangahulugan din ng pagpapakita kung sino talaga ang may karapatan sa teritoryo.
Dagdag ni Biazon, wala ding dahilan para hindi mapalitan ang pangalan ng Benham Rise dahil kinikilala at nirerespeto ng China ang karapatan dito ng bansa.
Upang mas maitulak ng gobyerno ang pagpapalit ng pangalan sa Benham Rise ay susuportahan ito ng Kamara sa pamamagitan ng paghahain ng resolusyon.
Nation”, Conde Batac