
Target ng House of Representatives na masimulan na sa September 1 ang deliberasyon para sa panukalang pambansang pondo sa 2026.
Inihayag ito ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing, na syang inihalal na chairperson ng House Committee on Appropriations ngayong 20th Congress.
Binanggit ni Suansing na sa August 13 nakatakda ang pagsusumite ng Malakanyang ng National Expenditure Program (NEP) sa Kongreso.
Ayon kay Suansing, ngayon pa lang ay naghahanda na ang komite para sa gagawin nilang sabay-sabay na pagbusisi sa pondo ng bawat ahensya ng gobyerno.
Sabi ni Suansing, tututukan ito ng mga subcommittee ng House appropriations committee.
Dadgdag pa ni Suansing, may mga konsultasyon ding isinasagawa ang komite bago ang briefing ng DBCC o Development Budget Coordination Committee.









