Kamara, tiniyak ang kooperasyon sa Senado sa pagpasok ng 19th Congress

Tiniyak ng susunod na liderato ng Kamara na makakaasa ang Senado ng tulong at koordinasyon mula sa kanila sa pagpasok ng 19th Congress.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, umaasa siya sa magandang partnership sa kanilang counterpart sa Senado para maisulong ang legislative agenda ng papasok na Marcos administration.

Aniya pa, magiging sentro ng mga panukala ay ang pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya dahil ito rin ang malaking hamon na kahaharapin ng pamahalaang Marcos.


Gaya ng panawagan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., umaapela rin ng pagkakaisa at kooperasyon si Romualdez para ma-iangat ang bansa sa epekto ng pandemya.

Matatandaang si Romualdez ay nakakuha ng pag-endorso ng mga kapwa mambabatas para maging susunod na House Speaker sa 19th Congress.

Facebook Comments