Kamara, tiniyak ang lubos na kooperasyon sa independent commission na mag-iimbestiga sa maanumalyang flood control projects

Lubos na makikipagtulungan ang Kamara sa bubuuing Independent Commission for Infrastructure (ICI) na siyang mag-iimbestiga sa palpak at maanumalyang flood control projects.

Tiniyak ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order number 94 na lilikha sa ICI.

Para kay Romualdez ang pagtatag ng ICI ang tamang pagtugon sa mga alegasyon ng iregularidad sa flood control programs na nagdudulot ng matiding pagkadismaya sa taumbayan at pagkawala ng kanilang tiwala sa mga proyekto ng pamahalaan.

Diin ni Romualdez, ang House of Representatives ay kaisa ng ICI sa pagtataguyod ng katotohanan, pananagutan, at pagpapatupad ng reporma sa pamamagitan ng pagkakasa ng isang independent, patas at masusing imbestigasyon.

Bunsod nito ay tiniyak ni Romualdez na hindi kukunsintihin ng Kamara ang sinumang kongresista na mapapatunayang sangkot sa maanumalyang proyekto.

Facebook Comments