Kamara, tiniyak ang pagbibigay ng dagdag na pondo sa PGH

Nagbigay ng commitment ang House Committee on Appropriations na taasan ang pondo ng Philippine General Hospital (PGH) sa susunod na taon.

Kasunod ito ng pagkadismaya ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa ginawang pagtapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa pondo ng PGH.

Mula ₱6.87 billion ngayong 2021 ay bumaba ito sa ₱5.67 billion para sa 2022.


Ang nabawasang budget ng PGH ay capital outlay na para sana sa equipment, nursing housing at iba pa.

Tiniyak ni Appropriations Vice Chairman Paul Daza na handa ang komite na taasan ang 2022 budget ng PGH o ibalik sa kaparehong budget ngayong 2021.

Naunang iginiit ni Zarate na ang PGH na siyang “premier hospital” ng bansa, at isa sa mga pinaka-abalang ospital sa panahon ng COVID-19 pandemic pero nakaltasan pa ng pondo.

Dagdag ng kongresista, hindi pa nakikita kung kailan matatapos ang pandemya ngunit nakakalungkot na may bawas pa sa pondo ng PGH.

Facebook Comments