Kamara, tiniyak ang suporta sa AFP para maprotektahan ang bansa

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang suporta ng House of Representatives sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay upang makasunod ang Sandatahang Lakas sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na protektahan ang bansa.

Mensahe ito ni Romualdez sa kanyang pagdalo sa HOR-AFP Fellowship na ginanap sa Tejeros Hall sa Camp Aguinaldo at sinundan ng isang golf competition.


Nagpasalamat si Speaker Romualdez kay AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner sa pag-organisa ng fellowship na aniya’y sumisimbolo sa samahan ng lehislatura at military

Nagpasalamat din si Romualdez sa mga miyembro ng AFP sa kanilang ginagawang pagseserbisyo sa bansa.

Facebook Comments