Kamara, tiniyak na hindi mabubuwag sa ilalim ng federal system

Manila, Philippines – Pinawi ng Mababang Kapulungan angpangamba na bubuwagin ang Kongreso sakaling maging Pederalismo na ang bansa.
 
  Ito ay matapos na ikapangamba ng mga empleyado kung saanna sila pupunta sakaling buwagin ang Kamara matapos ang ginawang seminartungkol sa Federalism.
 
  Paglilinaw ni House Secretary General Atty. Cesar Parejana hindi maaalis ang Kongreso sa ilalim ng federal system maliban na lamangkung i-a-adopt ang unicameral o parliamentary system.
 
  Pero kung sa federal ay malabong mangyari ito dahil maskakailanganin pa nga ang Kongreso dahil magkakaroon ng maraming paglikha ngbatas sa mga federal states ng bansa.
 
  Tatawagin namang Federal Congress ang House ofRepresentatives sa ilalim ng federal system.
 
  Layon ng ginawang seminar na maalis ang misconceptionstungkol sa federalism.

Facebook Comments