
Tiniyak ni House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na hindi maapektuhan ang trabaho ng Kamara kahit magsimula na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Diin ni Adiong, magpapatuloy ang legislative work ng mga kongresista at ang tututok lang sa impeachent trial ay ang House prosecution panel.
Bunsod nito ay sinabi ni Adiong, magagawa pa rin ang pagbusisi at pagpasa ng mga panukalang batas kasama ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon, gayundin ang pagsasagawa ng committee hearings at pagbalangkas at pagpapatibay ng mga committee report at bicameral conference committee reports.
Facebook Comments









