Kamara, tiniyak na hindi sila lalagpas sa limitasyon ng pagtalakay sa Economic Cha-Cha

Tiniyak ni House Committee on Constitutional Amendments Vice Chairman Lorenz Defensor na limitado lamang ang Kamara sa pagtalakay sa pag-amyenda ng economic provisions ng 1987 Constitution.

Kasunod ito ng pagtatanong ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro sakaling ibang bahagi ng Saligang Batas naman ang hihimayin ng Senado.

Paliwanag ni Defensor, malinaw sa dinidinig ngayon na Resolution of Both Houses No. 2 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco na limitado lamang sa probisyon ng ekonomiya ng Konstitusyon ang saklaw ng pagtalakay ng Mababang Kapulungan.


Anuman aniya na usapin na labas sa nakapaloob sa RBH 2 ay hindi gagalawin ng Kamara kahit pa may hiwalay na inihain dito Senado.

Kung may ibang bersyon ng Cha-Cha na ipinasa ang Senado ay saka lamang aniya ito mapaguusapan at pagkakasunduin sakaling umabot man sila sa Bicameral Conference Committee.

Pagdidiin pa ni Defensor, economic provisions lamang ang tatalakayin, aaprubahan at pagbobotohan ng Mababang Kapulungan.

Facebook Comments