Kamara, tiniyak na simple lang ang SONA ng pangulo

210

Manila, Philippines – Tulad noong nakaraang taon, nakahandang tumalima ang Mababang Kapulungan sa nais ng Pangulong Duterte na gawing simple lamang ang ikalawang State of the Nation Address nito.

Ayon kay House Press and Public Affairs Bureau Director Ma. Bernadette dela Cuesta, ang preperasyon lamang aniya sa SONA ay pagsasaayos sa mga imprastraktura at paglilinis sa kabuuan ng Batasan Complex.

Batid na rin naman aniya ng mga mambabatas, mga opisyal ng gobyerno, at mga VIPs na inimbitahan sa SONA na maging simple lamang sa pagpasok at sa kanilang kasuotan.


Bagamat may red carpet ito ay para lamang sakaling umulan at hindi madulas ang mga bisita dahil karaniwang maulan ang araw ng SONA ng Presidente.

Ang mga media na magcocover maging ang mga staff ng Mababang Kapulungan ay pinayuhang magsuot lamang ng business attire.

Ngayong Linggo ay magsasagawa ng Inter-Agency SONA meeting sa Kamara kung saan aalamin ang paghahanda sa panig naman ng Malacañang at ng Senado.



tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments