Kamara, tiniyak na sosolusyunan ang mga problema ng security agency ng guard na nang-hostage

Tiniyak ng pamunuan ng security agency sa Kamara na kanilang tutugunan at sosolusyunan ang mga lumutang na alegasyon ng hostage-taker at dating security guard na si Archie Paray.

Sa pagdinig ng House Committee on Labor and Employment, sinabi ni Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) San Juan Field Office Chief Director Mary Grace Riguer-Teodoro na aayusin ng Sascor Armor Security Corporation ang inireklamo ni Paray.

Ilan sa mga inirereklamo ni Paray matapos mang-hostage ay ang pagiging underpaid ng mga empleyado ng security agency lalo na sa night differential gayundin ang hindi pagbabayad sa rest day premiums at iba pang paglabag sa safety standards.


Ibinulgar din nito na mayroong korupsyon o suhulang naganap kaya’t inilipat siya bilang roving guard.

Samantala, ang Virra Mall naman kung saan naganap ang pangho-hostage ay iginiit na nalaman lamang ang mga alegasyon ng korapsyon matapos ang insidente.

Ginarantiyahan naman ni Atty. Isagani Elacio, head ng external affairs ng V-mall na patuloy ang kanilang pagkumpirma at pag-iimbestiga sa mga paratang ni Paray.

Facebook Comments