Kamara, tiniyak na tutuparin ang pangakong dagdag-sahod sa mga nurse

Manila, Philippines – Tiniyak ng Kamara na tutuparin ng pamahalaan ang pangako nitong umento sa sahod ng mga government nurse.

Ito ay matapos na hindi maisama ng Department of Health (DOH) sa ipinasang budget proposal ang nasabing salary increase.

Ayon kay Anakalusugan Representative Mike Defensor – pwede namang kunin ang alokasyon para rito sa miscellaneous personnel benefits fund na nakapaloob sa budget.


Posible rin aniyang taasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang appropriation para rito.

Matatandaang nangako si Health Secretary Francisco Duque III na isasama nila sa kanilang 2021 proposed budget ang umento para sa mga nurse.

Facebook Comments