Kamara, tiniyak na walang magiging turuan sa isasagawang inquiry ukol sa SAP distribution

Tiniyak ng Kamara na isa lang ang magiging sentro ng kanilang gagawing imbestigasyon ukol sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP)

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, layon ng kanilang congressional inquiry na malaman ang mga naging problema sa pamamahagi ng unang tranche ng SAP upang masigurong hindi na ito mauulit sa susunod.

Nais din anilang matiyak na magiging maayos at ang mga pilipinong kwalipikado ang makakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.


Una nang kinuwestiyon ng Kamara ang sistema ng pamimigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo at ang paraan ng pagtukoy ng mga qualified individuals.

Ayon pa kay Cayetano, bago pa man aprubahan ang Bayanihan to Heal as One Act noong Marso 23 ay nangako ang ahensiya na maipapamahagi ang unang tranche na ₱100B sa loob lamang ng 10 araw na hindi naman aniya natupad.

Facebook Comments