Ikinalugod ng mga lider ng Mababang Kapulungan ang pagkakatalaga ni Pangulong Duterte kay Associate Justice Diosdado Peralta bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema.
Naniniwala si House Majority Leader Martin Romualdez na magiging champion ng good governance at pagiging patas sa Saligang Batas si Peralta.
Ang intellectual leadership at katapatan din ni Peralta ang magsisilbing gabay sa mga hukom para igiit ng maayos ang justice system ng bansa.
Tiwala naman si Deputy Speaker Mikee Romero na magiging patas ang interpretasyon ng batas sa ilalim ni Peralta tulad ng pagiging bihasa dito ni dating Chief Justice Lucas Bersamin.
Umaasa naman si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na magpapatupad ng reporma sa justice system ng bansa si Peralta dahil manunungkulan ito sa korte ng mahigit 2 taon.