Kamara, tiwalang babalik sa normal ang sitwasyon dahil sa pagsusumikap ng gobyerno at pakikipagtulungan ng publiko

Kumpyansa si Majority Floor Leader Martin Romualdez na kayang bumalik sa normal ang sitwasyon ng bansa sa pamamagitan ng suporta at pagtutulungan ng mga Pilipino at ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic.

Bagamat wala aniyang nakakaalam kung gaano pa katagal ang dapat na hintayin bago makabalik sa normal ang lahat, tiwala naman si Romualdez na sa pagtutulungan ng mga sangay at ahensya ng gobyerno ay matatapos din ang krisis.

Ayon kay Romualdez na co-chairperson ng defeat COVID-19 committee ng Kamara, naniniwala siya na sa pamamagitan ng pagsusumikap, kooperasyon at suporta ng mga Pilipino ay tiyak na maibabalik sa normal ang lahat kasabay ng pagpaplano para sa hinaharap dulot na rin ng mga natutunan sa naranasang krisis.


Nagtatrabaho aniya ng husto ang Duterte administration at ang Kamara para sa pagapruba ng economic stimulus package na siyang titiyak sa pagpapatuloy ng mga negosyo at pagpapanatili ng mga trabaho sa kabila ng pandemic.

Bukod dito, maraming oras at panahon na rin ang iniaalay ng mga siyentistang Pilipino para sa pag-develop ng bakuna laban sa COVID-19.

Hinimok din ng kongresista ang mga Pilipino na makinig, suportahan at makipagtulungan sa mga panawagan at programa ni Pangulong Duterte para tuluyang mawala na ang COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments