Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na suportado ng Kamara ang mga hakbang upang maprotektahan ang mga bulnerableng sektor ng lipunan sa mataas na presyo ng bilihin.
Pangunahing tinukoy ni Romualdez ang mga programa gaya ng Cash and Rice Assistance (CARD) program na isang joint initiative ng Kamara at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan binibigyang ng bigas at perang pambili ng pagkain ang mga mahihirap na pamilya.
Binanggit din ni Speaker Romualdez ang Assistance to Individuals in Crisis (AICS) Program ng DSWD, na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, o financial assistance upang maibsan ang krisis na nararanasan ng isang pamilya.
Ayon kay Romualdez, ipinatutupad din ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na layuning umalalay sa mga “near poor” na bahagi ng lipunan at maiwasan na sila ay bumalik o bumasak sa ibaba ng poverty line.