Kamara – tuloy ang imbestigasyon kay Diokno kaugnay ng “Pork Insertion” sa 2019 budget

Manila, Philippines – Tuloy ang imbestigasyon ng Kamara kay Budget Sec. Benjamin Diokno.

Ito ay kahit pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para aprubahan 2019 national budget.

Sabi ni House Appropriations Committee Chairman Rep. Rolando Andaya Jr. – hindi pa pwedeng mag-relax si Diokno dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon nila sa anomalyang kinasasangkutan ng kalihim.


Dapat din kasi aniyang masiguro ng kamara ang budget spending accountability.

Susunod na mga linggo, ipapatawag muli ng Kamara ang mga opisyal ng DBM at DPWH para matukoy ang utak ng 75 bilyong insertion sa 2019 national budget.

Noong Biyernes, matatandaang inakusahan ni andaya si Diokno ng panunuhol sa Kamara kapalit ng pananahimik sa isyu ng ‘pork insertion’.

Facebook Comments