Kamara, tuloy ang trabaho kahit naka-break ang session

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magpapatuloy sa pagtatrabaho ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kahit naka-break ang kanilang session mula ngayong October 1 hanggang November 6.

Sabi ni Romualdez, lahat ng standing at special committees ay patuloy na makakapagsagawa ng mga hearing o pagdinig sa panahon ng recess.

Ito ay para mapabilis ang pagpasa sa mga mahalagang panukalang batas lalo na ang may kaugnayan sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic at pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.


Kasabay nito ay ipinagmalaki ni Romualdez ang mga accomplishment ng Kapulungan sa loob ng unang 23-session days sa ilalim ng 19th Congress.

Pangunahin dito ang pagpapatibay sa 2023 General Appropriations Bill para sa P5.268 trillion na pambansang pondo, gayundin ang pagratipika sa SIM Registration Bill at panukalang pagpapaliban ng December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 2023.

Facebook Comments