Kamara, walang confidential at intelligence funds at bukas din palagi sa pag-audit ng COA

Sa ilalim ng liderato ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay kaisa ang House of Representatives sa sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay “transparent and fully auditable” ang paggamit sa pondo ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay binigyang diin ni House Secretary General Reginald Velasco na walang confidential at intelligence funds ang Kamara.

Binanggit ni Velasco na bukas din palagi ang libro ng Mababang Kapulungan para sa auditing ng Commission on Audit o COA.


Pinagmalaki din ni Velasco na pasado sa COA audit ang Kamara de Representantes.

Sa katunayan, ayon ay Velasco, sa report ng COA noong Oktobre 2, ay lumabas na walang disallowance ang Kamara, walang notice of suspension at walang notice of charge.

Facebook Comments