Kamara, walang kinalaman sa paglutang ng budget insertions isyu laban kay SP Escudero

Ipinagtataka ni House Spokesperson Atty. Princess Abante, kung bakit ang Kamara na naman ang tinataasan ng kilay at pinagbibintangan ni Senate President Chiz Escudero hinggil sa panibagong isyu o kritisismo laban sa kanya.

Reaksyon ito ni abante makaraang paghinalaan ni Escudero ang House of Representatives na may pakana ng isyu na mayroon syang ₱150 billion na insertions sa 2025 National Budget para sa infrastructure at flood control projects.

Giit ni Abante, mas mainam na sagutin na lamang ni Escudero ang isyu sa halip na pagbintangan ang Kamara na nasa likod ng demolition job sa kanya.

Ayon kay Abante, maging siya ay nagtataka o nagtatanong din sa impormasyon na pinuntahan ni Escdero ang Bicameral Conference Committee habang pinaplantsa ang proposed 2025 budget gayong si Speaker Romualdez naman ay hindi nakikialam sa bicam ng budget.

Facebook Comments