Kamara, walang oras para sa pamumulitika

Tiniyak ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na mananatiling nakatutok ang House of Representatives, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez, sa pangakong ipasa ang mga panukalang batas na prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.

Ayon kay Dalipe, ito ang dahilan kaya patuloy lang nila na isasantabi ang anumang uri ng pamumulitika na makaka-apekto sa pagtupad nila ng mandato.

Binanggit ni Dalipe na sa ngayon ay labis na abala ang Kamara sa paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.


Una nang sinabi ni Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., na kaya maganda ang performance ng Kamara ay dahil nakatutok lang sa trabaho si Speaker Romuaez at hindi pinapatulan ni ang mga pasaring pulitikal at personal.

Kumpyansa naman ang iba’t ibang lider sa Kamara na magpapatuloy ang magandang performance ng Kamara dahil sa maayos na pamumuno ni Speaker Romualdez at magandang samahan ng mga mambabatas sa Kamara.

Hinamon naman ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, ang lahat na samahan si Pangulong Marcos sa kampanya nitong pagkakaisa noong nakaraang halalan para sa ikabubuti ng bansa.

Facebook Comments