Kamara, walang tinamong pinsala matapos ang lindol kahapon

Inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco na walang tinamong pinsala ang Mababang Kapulungan matapos ang paglindol kahapon sa Lubang, Occidental Mindoro na naramdaman din sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan.

Sa kanyang report ay binanggit ni Velasco na walang “structural damage” sa mga gusali ng Kamara.

Sabi ni Velasco, batay sa inisyal na assessment ng Engineering and Physical Facilities Department ay ligtas at nananatili ang structural integrity o katatagan ng mga pasilidad at imprastraktura ng Kamara.


Binanggit naman ni Velasco na upang matiyak ang kanilang kaligtasan at kapakanan ay agad na pinalabas sa nga gusali ang mga kongresista, opisyal, empleyado, at mga bisita nang maramdaman ang lindol.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Velasco ang patuloy na pagpapatupad ng Mababang Kapulungan ng safety protocols, at pagbabantay sa sitwasyon.

Facebook Comments