KAMATIS NA HINDI NAIBENTA, INABANDONA SA GILID NG KALSADA

CAUAYAN CITY – Isang nakalulungkot na tanawin ang makikita sa gilid ng kalsada sa Masoc, Bayombong dahil sa mga nakatambak na kamatis.

Ayon sa uploader ng mga larawan na si Ferddie Maglallan, karaniwang itinatambak rito ang iba pang mga gulay na hindi naibebenta tulad na lamang ng kalabasa, repolyo, at iba pa.

Sinasamantala naman ito ng mga dumadaan sa lugar at kanya-kanyang pulot ng mga maari pang pakinabangan.


Ayon sa uploader, ang mga itinatambak na produkto sa lugar ay dahil walang nakuhang buyer ang mga may-ari nito.

Facebook Comments