KAMATIS, UMABOT NA SA 160 PESOS PER KILO ANG BENTAHAN SA ILANG PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY

Umabot na sa 160 pesos per kilo ang presyo ng kamatis ngayon sa ilang mga pamilihan sa Dagupan City.
Ayon sa mga tindera ng gulay sa palengke, tumaas umano ng 40 pesos ang presyo ng kamatis kumpara sa dati nitong presyo na nasa 120 pesos per kilo ay dahil sa pabago-bagong panahon naranasan nitong mga nakaraang buwan.
Dagdag pa nila, nahihirapan umano sila ngayon sa paghahanap ng supply ng kamatis sa bagsakan market dahil mahirap magharvest dulot ng tuloy na tuloy na pag-ulan nitong nakaraan.

Kailangan talaga umano nilang taasan ang presyo dahil nagmahal ang kanilang kuha at saka lamang nila ibaba kapag may sapat na silang suplay muli ng kamatis na maibebenta.
Samantala, ang mga mamimili naman sa palengke, patingi-tingi muna sa pamimili ng kamatis at ilan pang mga gulay dahil nagmahal rin ang presyo ng iba pang produktong gulay. |ifmnews
Facebook Comments